UAP collaborates with ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation for Marawi Project

March 16, 2018 | By: UAP Keeping You Posted

The United Architects of the Philippines through the UAP Bayanihang Arkitektura, Area D, District B3 and Cavite Chapter, and the Philippines Association of Landscape Architects (PALA) collaborated with ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc. for the rehabilitation of Bito Elementary School complex in Marawi City.

 

"Hindi man kasama sa mga nasirang gusali matapos ang ilang buwang bakbakan sa loob mismo ng Marawi City, sinira naman ng paglipas ng panahon ang mga silid aralan ng Bito Elementary School, Marawi City. Dekada otsenta pa nang naipatayo ang ilan sa mga ito kaya naman kitang-kita ang mga pinagtagpi-tagping yero at kahoy maisalba lamang ang ilang bahagi ng mga silid-aralan. Butas at nakalaylay din ang mga kisame na madalas pasukan ng tubig at maaaring pagmulan ng aksidente. Maliban dito, wala ring kuryente sa bawat klasrum, walang tubig ang mga comfort rooms at lumang-luma na ang mga reference books na gamit. Inaasahan ding dadami ang mga enrolees sa susunod na pasukan kaya naman inaaalala ito ng mga guro.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, patuloy silang umaasa at nangangarap na mabago ang kanilang sitwasyon. Panoorin ang surpresang hatid ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Operation Sagip sa Bito Elementary School."

Courtesy: Leonard Christopher Garde Clapano / Cameraman: Edbrian Pimentel