UAP QC-Elliptical Chapter: Reaching Out To Make An Impact On People's Lives

March 14, 2018

UAP QC Elliptical Chapters collaborated with Office of Vice President Leni Robredo for the Groundbreaking of Angat Buhay Village in Marawi.

In her message, VP Robredo said "Espesyal ang aming pagbalik ngayong araw sa Marawi, para sa groundbreaking ng #AngatBuhay Village sa Brgy. Sagonsongan. Dito itatayo ang 60 na transitional shelters para sa mga kapatid nating naapektuhan ng bakbakan sa lungsod noong nakaraang taon. Sisikaping makumpleto ito sa June 2018, at magkaroon hindi lamang ng mga pabahay, kundi ng isang komunidad na kumpleto sa basic services at iba pang pangangailangan. Ang Angat Buhay Village ay kuwento ng tunay na bayanihan: ang mga itatayong units ay pinondohan ng libo-libong Pilipinong naghangad tumulong sa ating electoral protest sa pamamagitan ng " Piso Para Sa Laban Ni Leni." Bagamat hindi napagbigyan ang kanilang petisyon, sigurado namang mahalaga din ang pupuntahan ng halagang ito, kung saan makikinabang ang mga taga-Marawi upang makapagsimula muli. Taos-puso ang aming pasasalamat sa City Government ng Marawi at sa Xavier University-Ateneo de Cagayan, na siyang kaakibat natin sa pagpapatupad ng proyektong ito, gayundin sa mga Angat Buhay partners na walang alinlangang tumulong sa atin para maisakatuparan ang proyektong ito: Autonomous Region in Muslim Mindanao government, United Architects of the Philippines – Quezon City Elliptical Chapter, Metro Stonerich Corporation, RAF International Forwarding Services, Inc., Latter-Day Saints Charities, Sigma Delta Phi-Southern California Alumnae Association, JS Unitrade, Philippine Toy Library, Solanaland, at Vice Squad, grupo ng aking mga kabatch sa kolehiyo."

More photos with this link